Noong unang panahon malaki ang paggalang ng ating mga Ninuno sa kalikasan. Sila ay naniniwala na ang mga puno at iba pang bahagi ng kalikasan ay tahanan ng mga dakiling Diwata Kaya ganoon na lamang ang kanilang pag-iingat upang ito ay hindi maabuso.Madugong pilit na sinakop ng mga dayuhan ang buong kapuluan ng mga Malayang Kayumanggi (Filipino) at marahas na ipinalaganap ang dayuhang paniniwala na iisa lamang ang Diyos at ang ano mang "diyos-diyosan" gaya umano ng mga Diwata ay gawaing makasalanan at hindi makatotohanan .
Pinuno nila ng takot ang ating mga Ninuno sang ayon sa kanilang dayuhang paniniwala. Ang bawat tao na sumasamo o sumasampalataya sa mga Diwata ay mapaparusahan at masusunog umano sa nag-aalab na apoy sa kabilang buhay. Sa paglaon ng panahon unti-unti tayong nasakop hindi lamang ang ating lupain kundi maging ang ating sariling pamamaraan ng pananampalataya .Sa panahon ngayon ay pawang katuwaan na lamang ang mga Diwata na kadalasa'y matatagpuan na lamang sa mga kwentong pambata at katatakutan. Marahil ang karamihan sa atin ay hindi namamalayan na ito ang nagging ugat ng pagkasira ng ating mayabong na kagubatan sapagkat Kasabay ng paglaho sa paniniwalang may Diwata tuluyan naring nag laho ang paggalang sa kalikasan .
0 comments:
Post a Comment