Saturday, July 4, 2015

The Manobo Group Facebook Rules

Ang MANOBO FACEBOOK GROUP ay ginawa upang tipunin ang lahat ng Manobo na may Facebook account at nang sa ganoon ay mapag-isa natin ang ating mithiin at adhikain. At bilang isang grupo, may mga alituntunin tayong sinusunod kabilang na ang mga ito:

MIYEMBRO


Bilang isang miyembro, tinatanggap mong ikaw ay may dugong Manobo, Alam mo ang dayalektong Manobo, Alam mo ang kultura at tradisyon ng mga Manobo o kaya ay isang taas-noong walang dugong Manobo pero natuto na sa dayalekto at kutura nito na gustong maging parte ng grupo. Ang Manobo Group ay may grupo ng mga Administrators na siyang inatasang tumanggap ng mga taong gustong sumali sa grupo. Ang mga Admins ay naatasang magpadala ng mensahe sa bawat miyembrong gustong sumali upang e-kompirma na sila ay karapat-dapat tanggapin.

POST NA BAWAL



Ang bawat post dito sa grupo ay dumadaan din sa mga Administrators katulad ng pag re-request ng pag sali. Ang mga sumusunod ay ang mga post na ipinagbabawal sa grupo na hindi ina-aprobahan o tinatanggal:

  1. Posts na may mga bastos na larawan o video
  2. Spam o mga virus-generated post
  3. Advertisements ng kahit anong produkto o networking business hindi kasali ang mga post na nag p-promote sa mga tourist attractions ng mga probinsya kung saan mayroong Manobo,
  4. Bawal ang green jokes o kahit anong panlalait na dinadaan sa joke, at
  5. Mga post na magdudulot ng hindi pagkakaunawaan sa grupo. 

MGA DAPAT E POST


Inaanyayahan ang lahat na mag post ng makabubuti sa ating kultura at tradisyon. Tulad ng mga kasaysayan o mga kuwento na naipasa mula pa sa sinaunang henerasyon upang sa ganoon ay maipahayag ito para sa susunod pang mga henerasyon ng mga Manobo. Maaari ring mag post ng tanong o kaya ay mga post na pang edukasyon na tumatalakay sa kasaysayan o mga kahit anong mapupulutan ng aral ng lahat. Maaari ring mga lugar o mga magagandang pasyalang hindi pa na didiskobre sa probinsyang ating kinabibilangan.

Ang mga Administrators ng grupong ito ay may karapatang tanggalin ang kahit na sinong lalabag sa mga alituntuning nakasaad sa itaas na kahit walang pirmiso sa kanya at sila rin ay may karapatang tanggapin o hindi tanggapin ang mga sasali na hindi pumasa sa mga kailangan bilang isang miyembro.

Maraming Salamat sa pag-unawa. Nawa'y maging intrumento ito para sa ikauunlad ng ating kultura at tradisyon.

0 comments:

Post a Comment